Where To Buy
Nasa UP Diliman kami - sa UP Shopping Center. Kung estudyante ka, syempre naman alam mo na kung saan yun. Pero kung sosyal kang estudyante, baka nga din never ka pa nga nakapunta dun. Para na din pala sa mga alumni na medyo nakalimutan na kung saan ang UP Shopping, eto - ang UP Shopping Center ay malapit sa Kalayaan Residence Hall, yung dorm ng mga freshmen. Malapit din sya sa Infirmary, sa PNB at sa Post Office.
Eto ang sketch kung saan:

Turo ko naman sa 'yo saan sa loob ng shopping - kung nag-jeep ka lang o nag-lakad, may dalawang entrance options ka - UP Coop side (left side, when you're facing the building from the street) or the Infirmary side. Kung sa UP Coop side ka pumasok, nanduuun kami sa kabilang dulo. Dire-diretso ka lang, pag malapit ka na sa dulo, right before a left turn, yun ang store namin nasa left side mo. You will see a sign na Handog and Diliman Republic. Better kung sa right side ka papasok, sa Infirmary side. Pagpasok mo, kami yung first store sa right side along that main corridor. Store #35, look for the Handog/Diliman Republic sign sa glass store windows.
Eto sketch:
Frequently Asked Questions:
1. Wala ba kayong store sa UP Campuses?
Meron na, at nasa Diliman mismo, belly of the beast ika nga. Nasa UP Shopping Center kami. For exact directions, as in latitude and longitude readings, see the "Where To Buy" section sa taas netong FAQs.
2. Nasa abroad na kasi ako, pano ko makakabili?
Tawagan agad ang Philippine Airlines, bumili ng ticket papauwi sa Maynila. Or, kung gusto mo naman na mas mura at mas mabilis, puede ding online. We’re now available dun sa pinaka-Pinoy na online store sa balat ng internet – sa DIVISORIA.COM. Ok sila, top-rated store ng Yahoo! yan. Puedeng local and international purchase and delivery. Lintik yang mga yan, pati sa mga Pinoy na nasa Iraq at nasa aircraft carriers ng kano eh nakakadeliver sila. Basta kung nasaan ang Pinoy, magdedeliver daw sila.
3. Hoy teka, alam ba ng UP yan?
Hoy, oo naman. We went through the process of getting a trademark license from UP. Kasi long term naman ‘to. Di ba nakakainggit yung mga Atenista at Lasalista, dami nilang shirts and jackets. So dapat tayo din meron. Eto ang ambag namin para sa ‘ting community.
4. Matibay ba naman yan?
Di ba sabi nila, kung gagawa ka na din lang naman, gawin mo na ng maayos. So hindi kami nagtipid sa materyales. While maraming mura, we opted for higher quality fabrics – yung masarap isuot. Kahit maghapon mo ng suot, hindi ka parang nanlalagkit, unless hindi ka naligo nung umaga, manlalagkit ka talaga nyan kahit Armani pa suot mo.
5. Puede bang maging dealer?
Kung meron kang puesto sa ibang UP campus – Manila, Baguio, etc, aba’y sige.
Email mo lang kami.
6. Taga UP Fine Arts ako. Parang mas makakagawa pa ako ng mas magagandang shirt design kesa sa gawa nyo. Puede ba mag-design for you?
Aray ko. Dahan-dahan naman. Busina muna. Pero sige, tingnan natin kung mas maganda nga. Email mo kami.
7. Hindi ako taga-UP pero type ko mga designs nyo. Puede ba akong bumili?
Oo naman, basta mag submit ka lang ng notarized affidavit explaining why you would want to wear a UP shirt. Biro lang, syempre puede, basta doble presyo. Biro lang uli, sige lang, bili lang ng bili, sread the wealth.
8. Yung buong pamilya namin graduate or student ng UP – mula sa lolo ko, mga kapatid ko, asawa ko hanggang sa anak namin. May discount ba kung marami bibilhin namin?
Uy ang yabang ng pamilya mo ha. Quota course ba naman lahat? Kung abot ng 100 ang buo nyong pamilya, may discount.
9. Yung org naming gusto ng made-to-order na jacket. Puede ba pagawa sa inyo.
Puedeng-puede.
10. Hoy teka, alam ba ng UP yan?
Aba talagang naghahanap ka ng away ah. Please see #3 above.