Pasasalamat
Mas masarap, madali, at Masaya ang kahit na anong trabaho pag may tulong mula sa mga kaibigan.
Super super thanks sa mga sumusunod:
Unang-una para sa mga namamahala ng UP at pinayagan nila kaming gawin ang isang bagay na ang sarap-sarap trabahuhin at kay tagal-tagal na naming pinapaginipan na gawin.
Kay Gerdick ng astigshirtsco. para sa lahat ng artistic inputs, words of wisdom at T-SHIRT 101 lessons.
Kay Edsel Ochoa, ang pinakamabait na photographer sa buong Pilipinas. Kahit ang labo-labo ng aming creative brief, hindi ni minsan uminit ulo nya.
Kay Bong ng
Supersonic para sa website development. Happy kami parati sa balanse ng art at retail sa lahat ng gawa mo.
Kay KC Leyco. Dahil kahit super sikat na stylist sya eh binigyan pa din kami ng discount sa talent fee nya. Humirit pa kami ng 3-gives, abuso na daw.
Sa make-up artist na si Pong Niu at ang cute na cute na baby nyang si Riki.
Sa modelo naming si Jmie Mempin at May Fortes.
Syempre, sa lahat ng kasama naming sa Diliman Republic at
Idealisk Inc. Kahit na mahahabang oras sa production at shoot, wala pa ding nag-file ng overtime.
At higit sa lahat, sa inyong mga graduates ng UP; sa mga bumili at bibili pa. Kung hindi dahil sa inyo na bibili netong creations nami eh hindi namin gagawin ‘to – syempre.
MARAMIN SALAMAT SA INYONG LAHAT